Sunday, December 6, 2009

ANG KULTURA AY SIMBOLO

Ang mga tao sa pasimula pa lamang ay nagtataglay na ng kultura sapagkat sila ay maaaring makigpag-ugnayan sa isa’t-isa at nakakaunawa sa mga simbolo. Ang mga simbolo ay nakagagawa sa tao na paunlarin ang masalimuot na mga kaisipan at iba pang mga anyo ng pakikipag-ugnayang pang-simbolo, tulad ng sining, nagagawa ng tao na maging malikhain, magkaroon ng kakayahang makapagpaliwanag, at nakapagtatala ng mga bagong kaisipan at Impormasyon.

Ang isang simbolo ay nagtataglay ng tuwiran o hindi tuwirang relasyon o walang relasyon sa bagay, kaisipan, damdamin o kaugalian sa alinmang ito ay itinutukoy. Halimbawa, ang karamihan sa mga tao sa Estados Unidos ay nakatatagpo ng kahulugan sa kombinasyon ng mga kulay na pula, puti, at asul. Subalit ang mga kulay na ito mismo ay walang kaugnayan halimbawa sa, lupain na tinatawag ng mga tao na Estados Unidos, sa konsepto ng patriotismo, o sa pambansang awit ng Estados Unidos.

Upang makapaghayag ng mga bagong kaisipan, ang mga tao ay patuloy na umiimbento ng mga bagong simbolo, tulad ng mga pormulang pang-matematika. Karagdagan pa, ang mga tao ay maaaring gumamit ng isang simbolo, tulad ng isa lamang na salita, para maipakilala ang maraming iba’t-ibang mga kaisipan, mga damdamin o kahalagahan. Kung kaya ang mga simbolo ay naglalaan ng isang madaling pamamaraan para sa mga tao na makipag-ugnayan kahit sa lubhang masalimuot na mga diwa sa bawat isa. Halimbawa, tanging sa pamamagitan lamang ng mga simbolo maaaring ang mga arkitekto, mga inhinyero, at mga manggagawa sa konstrukyon ay nagagawang makipag-ugnayan sa kinakailangang impormasyon upang makabuo ng isang tulay o sasakyang panghimpapawid.

Ang mga tao ay mayroong kakayahan sa pasimula pa lamang na bumuo, umunawa, at makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga simbolo, pangunahin ang paggamit ng wika. Ipinakita ng pagsasaliksik halimbawa na ang mga batang bagong silang ay mayroong pangunahing straktura ng wika – isang uri ng pandaigdig na sistema ng wika – na binuo sa kanilang isipan. Kung kaya ang mga bata ay nahantad sa pasimula pa lamang na matuto ng mga wika na ginagamit ng mga tao na nasa kanilang kapaligiran.

Ang wika ay naglalaan ng isang pinagmumulan upang makapag-imbak, makagawa, at makipag-ugnayan sa maraming impormasyon na malawak na lumalampas sa mga kakayahan ng mga hayop. Tulad halimbawa ng Tsonggo, ang pinakamalapit na henetikong umuugnay sa mga hayop, ay gumagamit ng ilang dosenang mga katawagan at iba’t-ibang mga pagkilos upang makipag-ugnayan sa mga mababangis na hayop.

Tinuruan ng mga tao ang ilan sa hayop na nabanggit na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga senyas pangwika ng Amerika at mga wika sa pamamagitan ng mga larawan, at ang iba ay nakapagpaunlad ng mga ilang daang mga salita. Subalit ang isang binuod na diksyonaryo sa wikang English ay maaaring magtaglay ng mahigit kalahating milyong mga bokabularyo. Ang mga chimpanzes ay hindi malinaw na nakapagpapakita ng kakayahan sa paggamit ng sistemang pangwika (grammar), na siyang lubhang kailangan para sa pakikipag-ugnayan sa maraming masalimuot ng mga diwa.

No comments:

Post a Comment