Wednesday, December 9, 2009

ANG KULTURA

Ang kultura, sa pag-aaral o agham pantao, ang huwarang pag-uugali at pag-iisip na ipinamumuhay ng mga tao sa isang panlipunang pangkat o grupo ay pag-aaral, paglikha at pagbabahagi. Itinatangi ng kultura ang isang pangkating pantao mula sa mga iba pa. Itinatangi rin nito ang mga pantao mula sa mga pang-hayop. Ang kultura ng mga tao ay kinabibilangan ng mga paniniwala, mga alituntunin sa kaugalian, wika, mga ritwal, sining, teknolohiya, istilo ng pananamit, mga paraan ng paggawa at pagluluto ng pagkain, relihiyon, sistema ng pulitika at kabuhayan.

Ang kultura ang pinakamahalagang konsepto sa pag-aaral ng lahat ng aspeto ng pamumuhay pantao (Anthropology) sa nakaraan at maging sa kasalukuyan. Karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral tungkol sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng tao (Anthropologist) ang terminong Kultura upang tumukoy sa isang lipunan o pangkat na kung saan ang karamihan o lahat ng tao ay namumuhay at nag-iisip ng magkakatulad na mga pamamaraan.

Gayundin, alinmang grupo o pangkat ng tao na magkakasalo sa iisang kultura - at sa natatangi, iisang mga alituntunin ng kaugalian at isang pangunahing anyo ng lipunang organisasyon - ay umubuo sa isang lipunan. Kung kaya, ang terminong kultura at lipunan ay bahagyang maaaring pagpalitin. Gayunman, habang marami sa mga hayop ang namumuhay sa mga lipunan, tanging ang mga tao lamang ang nagtataglay ng kultura.

Ang kultura ay umunlad kasabay ng ebolusyon ng uri o klaseng pantao, at malapit na umuugnay sa agham o pag-aaral sa kalagayan ng tao (human biology). Ang kakayahan o abilidad ng mga tao na magkaroon ng kultura ay dumarating sa malaking bahagi ng kanilang Pangangatawan Pagtatanghal (Physical Features): nagtataglay ng malaki at masalimuot na mga utak; nakauupo at nakatatayo ng matuwid; mga kamay na nakahahawak at nakapagmamanipula ng maliliit na mga bagay; at isang sistemang pamboses na maaaring makagawa at magdugtong-dugtong ng isang malawak na naaabot na mga tinig. Ang mga natatanging pantaong pangangatawang pagtatanghal na ito ay nagsimulang umunlad sa mga unang lahi ng tao sa Aprika noong mahigit na 4 na milyong taon na ang nakalilipas.

Ang pinakamaagang katibayang pisikal (Physical Evidence) ng kultura ay magaspang na batong mga kagamitan na ginagawa sa Silangan bahagi ng Aprika noong mahigit na 2 milyong taon na ang nakaraan.

Tuesday, December 8, 2009

Ang Kultura ay Nagtataglay ng Kilalang mga Katangian

Ito ay batay sa mga simbolo - sali-salimuot na mga pamamaraan ng pagtukoy at pag-unawa sa mga kaisipan, mga bagay, mga damdamin, o mga kaugalian - at ang kakayahan na makipagtalastas sa pamamagitan ng mga simbolo sa paggamit ng wika.

Ang kultura ay napagsaluhan. Ang mga tao sa magkatulad na pamayanan ay nagsasalo sa iisang mga kaugalian at mga pamamaraan ng pag-iisip sa pamamagitan ng kultura.

Ang kultura ay natutunan habang ang mga tao sa likas na kalagayan ay nagmamana ng maraming pisikal na mga katangian, ang kultura ay minana ayon sa lipunan. Ang isang tao ay tiyak na matututo ng kultura mula sa ibang mga tao sa isang lipunan.

Ang kultura ay naiaangkop o naibabagay.Ginagamit ng mga tao ang kultura upang malaya at mabilis na maiakma ang kanilang mga sarili sa mga pagbabago sa daigdig na nakapaligid sa kanila.

Monday, December 7, 2009

ANG KULTURA AY NAPAGSALUHAN

Ang mga tao na magkakasamang namumuhay sa isang lipunan ay nagkakasalo sa kultura. Halimbawa, halos ang lahat ng mga tao na nasa Estados Unidos ay magkakasalo sa wikang Ingles, nagsusuot ng magkakatulad na mga istilo ng damit, kumakain ng iisang uri ng mga pagkain, at nagdiriwang ng karamihan sa mga magkakatulad na mga kapistahan.

Ang lahat ng tao sa isang lipunan ay samasamang lumilikha at nagpapanatili ng kultura, ang mga lipunan ay nagpapanatili ng Kultura ng higit pa sa tagal ng pamumuhay ng isang tao. Iniingatan nila ito sa pamamagitan ng kaalaman, tulad ng mga pagtuklas na pang-agham, mga bagay tulad ng mga gawa ng sining, at mga tradisyon, tulad ng pagdiriwang sa mga Kapistahan.

Sunday, December 6, 2009

ANG KULTURA AY SIMBOLO

Ang mga tao sa pasimula pa lamang ay nagtataglay na ng kultura sapagkat sila ay maaaring makigpag-ugnayan sa isa’t-isa at nakakaunawa sa mga simbolo. Ang mga simbolo ay nakagagawa sa tao na paunlarin ang masalimuot na mga kaisipan at iba pang mga anyo ng pakikipag-ugnayang pang-simbolo, tulad ng sining, nagagawa ng tao na maging malikhain, magkaroon ng kakayahang makapagpaliwanag, at nakapagtatala ng mga bagong kaisipan at Impormasyon.

Ang isang simbolo ay nagtataglay ng tuwiran o hindi tuwirang relasyon o walang relasyon sa bagay, kaisipan, damdamin o kaugalian sa alinmang ito ay itinutukoy. Halimbawa, ang karamihan sa mga tao sa Estados Unidos ay nakatatagpo ng kahulugan sa kombinasyon ng mga kulay na pula, puti, at asul. Subalit ang mga kulay na ito mismo ay walang kaugnayan halimbawa sa, lupain na tinatawag ng mga tao na Estados Unidos, sa konsepto ng patriotismo, o sa pambansang awit ng Estados Unidos.

Upang makapaghayag ng mga bagong kaisipan, ang mga tao ay patuloy na umiimbento ng mga bagong simbolo, tulad ng mga pormulang pang-matematika. Karagdagan pa, ang mga tao ay maaaring gumamit ng isang simbolo, tulad ng isa lamang na salita, para maipakilala ang maraming iba’t-ibang mga kaisipan, mga damdamin o kahalagahan. Kung kaya ang mga simbolo ay naglalaan ng isang madaling pamamaraan para sa mga tao na makipag-ugnayan kahit sa lubhang masalimuot na mga diwa sa bawat isa. Halimbawa, tanging sa pamamagitan lamang ng mga simbolo maaaring ang mga arkitekto, mga inhinyero, at mga manggagawa sa konstrukyon ay nagagawang makipag-ugnayan sa kinakailangang impormasyon upang makabuo ng isang tulay o sasakyang panghimpapawid.

Ang mga tao ay mayroong kakayahan sa pasimula pa lamang na bumuo, umunawa, at makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga simbolo, pangunahin ang paggamit ng wika. Ipinakita ng pagsasaliksik halimbawa na ang mga batang bagong silang ay mayroong pangunahing straktura ng wika – isang uri ng pandaigdig na sistema ng wika – na binuo sa kanilang isipan. Kung kaya ang mga bata ay nahantad sa pasimula pa lamang na matuto ng mga wika na ginagamit ng mga tao na nasa kanilang kapaligiran.

Ang wika ay naglalaan ng isang pinagmumulan upang makapag-imbak, makagawa, at makipag-ugnayan sa maraming impormasyon na malawak na lumalampas sa mga kakayahan ng mga hayop. Tulad halimbawa ng Tsonggo, ang pinakamalapit na henetikong umuugnay sa mga hayop, ay gumagamit ng ilang dosenang mga katawagan at iba’t-ibang mga pagkilos upang makipag-ugnayan sa mga mababangis na hayop.

Tinuruan ng mga tao ang ilan sa hayop na nabanggit na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga senyas pangwika ng Amerika at mga wika sa pamamagitan ng mga larawan, at ang iba ay nakapagpaunlad ng mga ilang daang mga salita. Subalit ang isang binuod na diksyonaryo sa wikang English ay maaaring magtaglay ng mahigit kalahating milyong mga bokabularyo. Ang mga chimpanzes ay hindi malinaw na nakapagpapakita ng kakayahan sa paggamit ng sistemang pangwika (grammar), na siyang lubhang kailangan para sa pakikipag-ugnayan sa maraming masalimuot ng mga diwa.

Saturday, December 5, 2009

ANG KULTURA AY NATUTUNAN

Ang mga tao ay hindi ipinanganak na may Kultura; Ito ay kanilang natutunan. Halimbawa, ang mga tao ay kinakailangang matutong magsalita at makaunawa ng isang wika at mamuhay na umaayon sa mga panuntunan o alituntunin ng isang lipunan. Sa maraming mga lipunan ang lahat ng mga tao ay kinakailangang matuto sa paggawa, paghahanda ng pagkain at pagtatayo ng
tirahan. Sa ibang mga lipunan, ang mga tao ay kinakailangan matuto ng mga kasanayan upang kumita ng salapi, na kanilang magagamit sa kanilang mga pangangailangan. Sa lahat ng mga lipunan ng mga tao, ang mga bata ay natututo ng Kultura mula sa mga nakatatanda. Ang kalakarang ito ay tinatawag na pangkulturang paglilipat o enculturation sa Ingles, sang-ayon sa katawagan ng mga mag-aaral ng Antropolohiya.

Ang Pangkulturang Paglilipat ng Kultura ay isang mahabang proseso. Ang pag-aaral lamang ng pagkamasalimuot ng isang wikang pantao, ang pangunahing bahagi ng paglilipat ng Kultura, ay umuubos na ng maraming taon. Ang mga pamilya ay karaniwang nangangalaga at nagtuturo ng Kultura sa mga bata tungkol sa mga gawaing pambahay sa loob ng 15 taon o hagit pa.

Sa ganitong punto lamang ang mga bata ay maaaring lumayo at makapagtatag ng kanyang sariling sambahayan. Ang mga tao ay patuloy rin na natututo sa panahon ng kanilang pamumuhay. Kung kaya ang karamihan sa mga lipunan ay gumagalang at nagpaparangal sa mga nakatatanda, na natuto sa buong panahon ng kanilang pamumuhay.

Ang tao ay hindi nag-iisa sa kanilang kakayahan na matutunan ang mga kaugalian maliban sa dami o pagkamasalimuot ng maaari nilang matutunan. Halimbawa, ang mga kaanib ng isang pangkat o grupo ng mga tsonggo ay maaaring matuto sa paggamit ng isang naiibang pinagkukunan ng pagkain o mag-uso ng ilang mga simpleng kagamitan, o mga pag-uugaling magiging dahilan ng kaibahan nila sa ibang mga pangkat ng mga tsonggo. Subalit ang ganitong natatanging mga pamamaraan ng pamumuhay ay mababa kung ihahambing sa mayamang mga kultura na kumikilala sa pagitan ng mga lipunang pantao. Dahil sa kakulangan sa pananalita, ang mga tsonggo ay lubhang limitado lamang sa anuman na maaari nilang matutunan, sa pakikipag-ugnayan sa iba, at sa paglilipat ng mga ito sa bawat salinlahi.

Friday, December 4, 2009

ANG KULTURA AY NAIBABAGAY O NAPAKIKIBAGAYAN

Ang Kultura ay nakatutulong sa mga lipunang pantao na makasalba sa pagbabago sa likas na mga kapaligiran. Halimbawa, ang pagtatapos ng huling panahon ng Pagyeyelo (Last Ice Age), nagsimula noong halos 15,000 taon na ang nakalilipas, tumanghal ang isang napakalaking hamon na kinailangang pakibagayan ng tao. Bago pa ito, malaking mga bahagi ng hilagang bahagi ng kalahati ng daigdig ay natakpan ng naglalakihang mga tipak ng yelo na naglulan sa maraming tubig na daigdig. Sa hilagang bahagi ng Amerika, malaking bilang ng mga maiilap na mga hayop na kumalat sa malawak na ilang ang nakapaglaan sa tao ng pagkain at mga kagamitang pangkasuutan at mga mumunting tirahan. Nang maging katamtaman ang temperatura ng daigdig, ang naglalakihang mga tipak ng yelo at ang mga maiilap na hayop ay nangawala, at marami sa mga bahagi ng kalupaan ang lumubog dahil sa pagtaas ng tubig sa dagat sanhi ng pagkatunaw ng yelo. Magkagayuman, ang tao ay nakapanatili. Nakapagpaunlad sila ng mga makabagong teknolohiya at natuto kung paano mapanatili ang mga bagong halaman at mga uri ng hayop. Nang malaon, ang ibang mga tao ay nakapaglagay ng permanente, matatag na mga bahay at mga sakahan sa mga nayon o baryo.

Ang pakikibagay sa Kultura ay nakagawa sa tao na maging pinakamatagumpay na uri sa planeta. Sa pamamagitan ng mga Kasaysayan, malaking pag-unlad sa larangan ng Teknolohiya. Medisina at Nutrisyon ang nakapagpahintulot sa tao na magparami magparami at makapanatili sa patuloy na patuloy na pagdami ng bilang. Ang Pangsansinukob na populasyon ng tao ay tumaas mula sa 8 milyon sa panahon ng Pagyeyelo hanggang sa halos 6 na bilyon sa kasalukuyan. Gayunman, ang mga pagtatagumpay ng Kultura ay maaari ding lumikha ng mg suliranin sa katagalan. Sa loob ng huling 200 taon, nagsimula ang mga tao sa paggamit ng malaking bahagi ng likas na yaman at enerhiya at nakagawa ng napakaraming basura mula sa mga materyales at mga Kemikal.

Ang populasyong pandaigdig ay kumukunsumo ng ilang mga mapanganib na likas na yaman – tulad ng petrolyo, pagtotroso, at mga bato o hilaw na mineral–higit na mabilis kaysa sa magagawa ng kalikasan. Maraming mga siyentista ang naniniwala na sa pagsunog ng mga panggatong at paglikha ng mga basura, maaaring mabago ng tao ang klima sa buong daigdig sa hindi inaasahan at nakasasamang pangyayari (tingnan ang Global Warning). Kung kaya, ang napakikibagayang tagumpay ng kasalukuyang pandaigdig na kultura ng produksyon at komersyo ay maaaring maging pansamantala lamang.

Ang mga tao ay kinakailangang makinabang sa kultura, kahit man lamang sa maikling panahon, upang sa gayon ay maipasa ang mga ito sa mga darating na bagong salinlahi o henerasyon. Subalit malinaw rin na ito ay maaaring makasama sa mga tao. Ang bilang ng mga tao na namumuhay sa malubhang kahirapan sa malapit na pagtatapos ng ika-20 siglo ay higit na marami kaysa sa buong populasyon ng daigdig noong 1500 C.E.

Monday, November 2, 2009

Ang Kagandahang-loob sa mga Magulang

Sa ating henerasyon ngayon, nasasaksihan natin paurong na pag-aasal ng ating mga kabataan at mga anak tulad ng pagwawalang-bahala (di-pagsunod) sa mga magulang. Tayo ay minsan nakakabalita ng isang anak na pumatay sa kanyang (mga) magulang, lumapastangan, o dili kaya’y hindi tumutupad (nagsasagawa) sa tungkulin na maging mabait sa kanila at tulungan sila sa kanilang pangangailangan. Kung ating susuriin ang dahilan sa ganitong uri ng asal, ating mapag-alaman na ito ay sanhi ng kahinaan ng pananalig at kakulangan ng kaalaman sa pananampalataya o maling pagbibigay kahulugan sa mga pag-uutos ng Shari’ah. Bagama’t ating matutunghayan na ang taong may malakas na pananampalataya at may sapat na kaalaman sa kanyang pananampalatayang (relihiyong) Islam ay mabait at masunurin sa kanyang mga magulang. Katotohanan, ang Islam ay nagturo sa kanyang mga tagasunod na tungkulin ng mga magulang na palakihin ang kanilang mga anak sa wastong kaparaanan (gawi) sa pamamagitan ng pagtatanim sa kanilang (mga anak) puso ang binhi ng pananampalataya sa Allah (SWT) at sa Kanyang Kaisahan nang walang katambal. Nararapat nilang ipaalaala sa kanilang mga anak ang Paraiso at pagsikapang magkaroon sila ng hangaring makamit ito. Gayundin ang pagbibigay-babala sa kanila sa Impiyernong Apoy at kaparusahan dito. Tungkulin ng mga magulang na ituro sa kanilang mga anak habang sila ay bata pa ang tungkulin nila sa mga magulang. Ang Allah (SWT) ay nagbigay sa atin ng halimbawa nito sa Qur’an tungkol sa kuwento kay Luqman. Siya ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
At tandaan nang si Luqman ay nagsabi sa kanyang anak (na lalaki) habang kanyang pinapangaralan: “O aking anak! Huwag kang magtambal ng iba pa sa pagsamba sa Allah; katotohanan, ang pagtatambal sa pagsamba ng iba pa sa Allah ay katiyakang Thulm (pinakamatinding kamalian).” [Qur’an, 31:13]
At ipinagtagubilin Namin sa tao (na maging mabuti at masunurin) sa kanilang magulang. Ang kanyang ina ay nagsilang sa kanya sa kahinaan at kahirapan at muli sa kahinaan at kahirapan. At ang pagpapasuso (ng gatas maliban sa nagmumula sa ina) sa loob ng dalawang taon. Magbigay kayo ng pasasalamat sa Akin at sa inyong magulang. At sa Akin ang inyong huling hantungan. [Qur’an, 31:14]
Magkaganoon, nasaan ang mga magulang na tumayo (sa buhay) na katulad ng ginawa ni Luqman at sumunod sa kanyang mga yapak? Katunayan na kapag ang mga magulang ay sumunod sa wastong gawain (tamang kaparaanan), hindi sila maghihinaing sa pagwawalang-bahala ng kanilang mga anak. Ang mga magulang ay may malaking pananagutan ngayon sapagkat ang paraan ng pamumuhay sa kasalukuyang panahon ay nalihis sa tamang daan at sila ay napapalayo na sa landas ng Islam. Kung kaya’t ang kanilang (mga magulang) tungkulin ay lalo pang bumigat sapagkat sila ay may pananagutan sa kanilang mga anak. Ang Propeta (SWS) ay nagsabi:
“Lahat kayo ay mga tagapag-alaga at may pananagutan sa inyong mga alaga. Ang pinuno ay isang tagapag-alaga na may pananagutan sa kanyang mga alagad; ang lalaki ay ang tagapag-alaga ng kanyang mag-anak; ang babae ay ang tagapag-alaga sa bahay ng kanyang asawa at may pananagutan sa kanyang mga alaga; ang utusan ay tagapag-alaga ng mga pag-aari ng kanyang amo at may pananagutan sa kanyang mga alga.” [Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim]
Samakatuwid, upang mapag-alaman ng bawat isa ang kanyang tungkulin sa iba (magulang at mga anak), marapat lamang na palagi silang sumangguni sa Aklat (Qur’an) at Sunnah (gawi ng Propeta). Aking ilalahad dito, ang ilang halimbawa mula sa Qur’an, Sunnah at ilan sa mga kasaysayan ng mga pantas ng Islam. At inyong mapapag-alaman ang kanilang dakilang asal. Sa Qur’an, maraming mga talata ang nag-uutos ng pagsamba sa Allah (SWT) lamang kasunod dito ang pag-uutos ng kabaitan sa mga magulang kagaya ng sinabi ng Allah sa Qur’an:
“Sambahin ang Allah at huwag magtambal (ng iba) sa Kanya sa pagsamba, at gumawa (maging) mabuti sa mga magulang…” [Qur’an, 4:36]
Sa pagpapahiwatig sa kahalagahan ng kabaitan ng mga anak sa kanilang mga magulang, isinunod ito ng Allah sa pag-uutos ng pagsamba sa Kanya. Ito ay isang katibayan na ang dalawa ay magkaugnay sa isa’t-isa. Sa gayo’y hindi sapat ang pagsamba sa Allah (SWT) nang may pagwawalang-bahala at ang kabaitan ay hindi sapat nang may “shirk” sapagkat ang likas na katangian ng pagsamba ay lubos na pagsunod. Walang pagsunod na makakamtan nang wala ang dalawa (pagsamba at kabaitan sa magulang) sapagkat ang pagwawalang-bahala ay pagsuway. Sa bahaging ito, ang Propeta (SWS) ay nagpahayag kaugnay nito sa kanyang Hadith:
“Isang lalaki ang lumapit sa Propeta at nagsabi, ‘O sugo ng Allah, ako’y sumasaksi na walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Allah, at ikaw ang sugo ng Allah. Isinasagawa ko ang limang Salat, binabayaran ko ang aking zakat, at ako ay nag-aayuno sa Ramadan.’ Ang Propeta ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika ng ganito: ‘Sinuman ang mamatay sa (kalagayang) ito, siya ay mapapasama sa mga Propeta, totoong naniniwala at mga mapagpasakit (martir) sa Araw ng Muling Pagkabuhay kagaya nito, at itinaas niya ang kanyang dalawang daliri. Hangga’t hindi niya nilalaspatangan (tinatrato nang masama) ang kanyang magulang.’” [Iniulat ni Ibn-Hiban at napatotohanan]
Ang Hadith na ito ay tunay na katibayan na nararapat na mayroong dahilang kaugnayan sa pagitan ng alipin at sa kanyang Tagapag-Likha, na nagsasagawa ng tungkuling pang-Islam at kabaitan sa mga magulang upang malubos ang pananampalataya ng isang tao.
Ang kabaitan sa magulang ay hindi katangian ng Muslim lamang bagkus ito ay isang lumang (isa sa mga naunang) kautusan mula sa Allah (SWT) sa mga lipunan (kabihasnan) bago sa atin. Ang Allah (SWT) ay nagpahayag sa Qur’an hinggil dito:
At (tandaan) noong Kami ay tumanggap ng tipan sa mga angkan ng Israel (na nagsasabing), walang sasambahin maliban sa Allah (lamang) at maging masunurin at mabuti sa mga magulang… [Qur’an, 2:83]
Sa talatang ito, mayroong tipan mula sa angkan ng Israel na kanilang dinulog sa Allah (SWT) upang sambahin ang Allah (SWT) lamang at maging mabait sa kanilang mga magulang. Gayundin, ang Allah (SWT) ay nag-utos sa mga propeta, lalung-lao na si Yahya (Juan) sapagkat siya ay naging mabait sa kanyang mga magulang hanggang sa pagsapit ng kanilang katandaan kung kailan higit na kailangan ang tulong at kabaitan mula sa mga anak. Kung kaya’t ang Allah (SWT) ay nagsabi tungkol kay Yahya sa Qur’an:
“At masunurin sa kanyang mga magulang, at siya ay hindi mapagmataas at hindi masuwayin (sa Allah at sa kanyang mga magulang).” [Qur’an, 19:14]
Gayundin, ang Allah (SWT) ay nag-utos kay Eisa (Jesus), nawa’y kalugdan siya ng Allah (SWT), na maging mabait sa kanyang inang si Marya. Ang Allah (SWT) ay nagsabi sa Qur’an:
“At masunurin sa aking ina, at ginawa akong hindi mapag-mataas, hindi pinagpala.” [Qur’an, 19:32]
Mayroong isang mahalagang bagay dito sa kabaitan sa mga magulang sa pangkalahatan o pangkaraniwan na sumasaklaw kung ano ang nais at hindi nais gawin ng mga bata nang walang pagtanggi o pagtatalo. Ang ibang mga bata ay nag-aakala na ang kabaitan sa mga magulang ay yaong kung anuman ang angkop sa kanilang nais. Ngunit ang katotohanan ay yaong kabaligtaran nito. Ang lubos na kabaitan ay maaaring hindi sumang-ayon sa kanilang nais.
Ang kondisyon ng kabaitan ay:
1. Ang anak ay naghahangad ng kasiyahan ng kanyang mga magulang kaysa sa kanyang sariling kasiyahan, ng kanyang asawa, ng kanyang mga anak at ng lahat ng mga tao.
2. Ang anak ay nararapat na sumunod sa kanila sa lahat ng oras anuman ang hilingin nila (mga magulang) hangga’t hindi nila hinihiling sa anak na suwayin ang AllahU.
3. Nararapat na ang anak ay magbigay sa kanila ng anumang naisin nilang makuha nang hindi na siya pinakikiusapan pa. Gayundin, nararapat na ang anak ay malugod na magbigay sa kanila ng kanilang nais.
Mayroong ilang mga talata sa Qur’an na ipinahayag nang may tiyak (malinaw) na kaparaanan na nararapat sundin sa pag-aaruga sa ating mga magulang. Ito ay nagbibigay ng katiyakan sa pag-aalaga sa mga magulang kapag sila ay mahina (sa katawan, sa pag-iisip at sa pananalapi) o dili kaya’y kapag mayroon silang karamdaman at sila’y nangangailangan ng mag-aalaga sa kanila. Ang ilan sa mga talatang ito ay yaong mga sinabi ng AllahU sa Qur’an:
“Ang inyong Panginoon ay nagtakda na wala kayong ibang sasambahin maliban sa Kanya. At ang kayo’y maging masunurin sa inyong mga magulang. Kapag ang isa o dili kaya’y kapwa nila naabot ang katandaan sa panahong kayo’y nabubuhay pa, huwag magsabi sa kanila ng salita ng kawalang-galang maging ang sigawan sila. Bagkus ay pagsalitaan sila nang may karangalan. At ibaba sa kanila ang pakpak ng pagsunod (pagsuko) at pagpapakumbaba sa pamamagitan ng habag, at sabihin: ‘Panginoon ko! Ipagkaloob Ninyo sa kanila ang Inyong awa kagaya ng pagpapalaki nila sa akin noong ako ay bata. Ang inyong Panginoon ang higit na nakababatid kung ano ang saloobin ninyo. Kapag kayo ay matuwid, kung gayo’y katotohanang Siya ang Lubos na Mapagpatawad sa kanilang bumabaling sa Kanya sa tuwina sa pagsunod at sa pagsisisi.’” [Qur’an, 17:23-25]
Ang mga ito ay mga dakilang talata na nagpapahayag ng pagpapayo at malinaw na utos sa mga bata (anak) kung gaano kahalaga ang paksang ito. At nararapat nilang isa-isip na kapag kanilang pinakitunguhan ang kanilang mga magulang nang mabuti, sila ay pakikitunguhan din kagaya nito ng kanilang mga anak sa kanilang pagtanda. Mga giliw kong manonood, nararapat ninyong malaman na ang pagdarasal sa Allah (SWT) para sa mga magulang ay bahagi rin ng pagiging masunurin sa mga magulang. Kagaya ng sinabi ng Allah (SWT) sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika ng ganito, narito si Propeta Noah na nagdarasal para sa kanyang mga magulang:
“Panginoon ko! Patawarin mo ako at ang aking mga magulang, at siyang pumapasok sa aking tahanan na isang naniniwala, at lahat ng mga naniniwalang kababaihan at kalalakihan.” [Qur’an, 71:28]
Gayundin, ang Allah (SWT) ay nagsabi sa Qur’an tungkol kay Propeta Ibrahim:
“Aming Panginoon! Patawarin mo ako at ang aking mga magulang, at ang (lahat ng) mga naniniwala sa Araw kung kailan ang pagtutuos ay ipamamalagi.” [Qur’an, 14:41]
Huwag mamangha kapag nalaman ninyo na ang kabaitan sa mga magulang ay ang dahilan upang maibsan ng kabalisahan. Ipinaalam sa atin ng Sugo ang tungkol sa tatlong tao na nanatili sa yungib sa Hadith na ito, na ang kahulugan ay isinaling wika nang ganito:
“Tatlong kalalakihan, na kabilang sa kanila na dumating bago kayo, ang naglakbay hanggang sumapit ang gabi at napadpad sa isang yungib, kaya sila ay pumasok. Isang malaking bato ang dumausdos mula sa bundok at humarang sa bukana (lagusan) ng yungib. Silay ay nagsabi: ‘Walang makapagliligtas sa iyo dito maliban sa magdasal sa Allah sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga matutuwid na gawa na iyong naisakatuparan!’ Kapagdaka’y isa sa kanila ang nagsabi: ‘O Allah! Ang aking mga magulang ay matatanda na noon at binibigyan ko sila ng gatas bago ang aking mga anak at utusan. Isang araw, ako ay humayo sa paghahanap ng kumpay (damo) at hindi nakabalik hanggang sa nakatulog na sila. Noong ako ay nanggatas kagaya nang dati at dinala ang inumin sa kanila, sila ay nakatulog na. Kinasusuklaman kong gisingin sila at hindi ko rin nais na magbigay ng gatas sa aking mga anak bago sila. Ang aking mga anak ay umiiyak sa aking paanan dahil sa gutom subalit naghintay ako na sila’y magising na ang mangkol ay nasa aking kamay. Noong sila’y maging sa madaling-araw, sila ay uminom ng gatas. O Allah! Kung aking ginawa ito para mapagsumikapang makamtan ang Inyong kasiyahan, sa gayo’y iligtas kami sa kabalisahang sanhi ng (pagkakaharang ng) bato!’ Ang bato ay umuusad bahagya…” [Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim]
Kung kaya’t, batay sa tunay na kuwentong ito, ang Muslim ay nararapat na tumanggap ng paalaala at malaman na ang mga kadakilaan ng maibsan ng kabalisahan ay ang pagiging mabait sa magulang.
Ang relihiyon ng katarungan (Islam) ay binibigyan ng pangunahing pagpapahalaga sa kasiyahan ng mga magulang kaysa sa kasiyahan ng asawa. Maraming pagkakataon na ating narinig na ang sinusunod ng tao ay ang kanyang pansariling nais hanggang sa kanyang maabot ang aantas ng di-pagkamakatarungan kung saan ay kinikilingan niya ang kanyang asawa kaysa sa kanyang mga magulang o dili kaya’y insultuhin (lapastanganin) ang kanyang mga magulang para lamang mabigyang-kasiyahan ang kanyang asawa. Ito ay isang mapanganib na gawa (pasiya). Sa katunayan, ang Islam ay nagbigay sa bawa’t isa ng kani-kanilang karapatan at tiniyak (malinaw na itinakda) ang takdang tungkulin ng tao sa kanyang mga magulang, asawa, mga anak, kamag-anak at iba pa upang sa gayo’y maibigay niya sa bawat isa ang kanilang karapatan.
Para sa kadakilaan ng katayuan (kalagayan) ng mga magulang, ang mga masunurin sa kanila ay hindi tumitigil hanggang sa sila ay mamatay. Bagkus ay nagpapatuloy hanggang ang anak (bata) ay nabubuhay. Ang sugo ng Allahr ay nagsabi:
“Kapag namatay ang isang tao, ang kanyang mga gawa ay titigil maliban sa tatlo (pinagmulan), tuloy-tuloy na Sadaqh (kawanggawa), o kaalaman (kaalamang pang Islam) na makikinabang (kagaya ng mga aklat tungkol sa kaalamang pang-Islam) o dili kaya’y isang matuwid na anak na nagdarasal para sa kanya (magulang).” [Iniulat ni Abu-Dawood]
Samakatuwid, ang pagiging masunurin sa magulang ng anak, na ipinagpapatuloy kahit na pagkatapos na mamatay ang mga magulang, na may pagdarasal sa AllahU na patawarin ang kanilang mga kasalanan ang siyang magdadala sa kanila sa Paraiso.
Narito ang isang kuwento tungkol sa kasamahan ng Propeta Muhammad na si Abdullah Ibn Umar Al-Katabb. Siya ay nakatagpo ng Bedouin sa kanyang daan patungo sa Makkah. Siya ay bumati ng Salam sa kanya, nag-alok na sumakay sa asno na kanyang sinasakyan, at ibinigay sa kanya ang turbante na suot ng kanyang ulo. Si Ibn Dinar (na kasama ni Abdullah) ay nagsabi sa kanya: “Nawa’y gawin siyang masunurin at banal ng Allah!” Ang mga Bedouin ay masisiyahan sa anumang bagay na ibigay ninyo sa kanila (na para bagang ang anumang ibinigay ninyo sa mga Bedouin ay malabis na). Sa sandaling ito, si Abdullah Ibn Umar ay nagsabi, ‘ang ama ng taong ito ay isa sa mga kaibigan ni Umar (ama ni Abdullah) na higit niyang mahal sa lahat.’ At narinig ko ang sugo ng Allahr na nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Ang pinakamahasay na paggawa ng kabutihan ay ang mabuting pakikitungo sa isang ang ama ay pinakamamahal siya.” [Iniulat ni Muslim]
Gayundin, nararapat na maging mabait sa kanyang kapatid bilang bahagi ng kabaitan sa ina pagkatapos ng kanyang kamatayan. Isang tao ang lumapit sa sugo na nagsabing: “O sugo ng Allah, ako ay nakagawa ng isang malaking kasalanan. Mayroon bang pagsisisi para sa akin?” Ang Propeta (SWS) ay nagsabi sa kanya: “Buhay ba ang iyong ina?” Siya ay nagsabi: “Hindi”. Ang Propeta (SWS) ay nagsabi: “Mayroon ka bang tiyahin?” Siya ay nagsabi: “Oo”. Ang Propeta (SWS) ay nagsabi: “Maging mabait sa kanya.” Ang Islam ay gumawa sa inang maging karapat-dapat na higit na masunurin kaysa sa ama. Ang AllahU ay nagsabi sa Qur’an:
At Aming itinagubilin sa tao (na maging masunurin at mabuti) sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ina ay nagdalang-tao sa kanya sa kahinaan at kahirapan, at ang pagwalay sa kanya ay pagkaraan ng dalawang taon – magbigay pasasalamat sa Akin at sa inyong mga magulang. Sa akin ang huling hantungan. [Qur’an, 31:14]
Gayundin, sa Hadith na ito, isang tao ang lumapit sa Sugo ng Allahr at nagtanong:
“Sino sa mga tao ang karapat-dapat sa lahat ng mahusay na pakikitungo mula sa akin?” Ang Propeta (SWS) ay nagsabi, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito: “Ang iyong ina.” Siya ay nagtanong muli: “Sino ang susunod?” Ang Propeta (SWS) ay sumagot muli: “Ang iyong ina.” Siya ay nagtanong muli: “Pagkatapos ay sino?” Sa sandaling ito ay nagsabi ang Propeta (SWS): “Pagkatapos ay ang iyong ama, at pagkatapos ay ang iyong mga kamag-anak.” [Iniulat ni Al-Bukhari at Muslim]
Sa mga nabanggit na talata at Hadith, napag-alaman natin na ang ina ay karapat-dapat sa higit na kabaitan kaysa sa ama at sinumang tao. Ito ay dahil sa ang ina ay dumaranas ng maraming paghihirap at sakit. Siya rin ay nag-aalaga sa anak nang higit sa sinupaman, kahit na ang kanyang ama na pumapangalawa pagkatapos ng ina sa pagiging masunurin.
Katotohanan, kung ninanais ninyong maging maligaya sa inyong buhay, maging matagumpay sa inyong hinaharap (kinabukasan), at maligtas sa paghihirap sa Impiyernong Apoy, sundin ang mga kautusan ng pananampalatayang ito (Islam) at maging mabait sa inyong mga magulang. Narito ang ilang mga mungkahi sa pagiginig mabait sa inyong mga magulang:
1. Sundin ang inyong mga magulang kapag inuutusan nila kayo, lalung-lalo na kapag inuutusan
kayong sumamba sa Allah (SWT).
2. Palaging maging magalang kapag kinakausap sila.
3. Kapag nakita sila sa umaga, batiin ng Assalamu alaykum ya Ummi o Abi. Gawin din ito kapag
dumating ka sa bahay sa gabi. At kapag sila’y dumating pagkatapos ninyo, pagpasok nila ng
bahay, lapitan sila at halikan.
4. Kapag nais mong umalis ng bahay, palaging hingin ang kanilang kapahintulutan.
5. Palaging hingin ang kanilang payo kapag nais mong magsagawa ng isang malaking bagay.
6. Palaging isama sila sa inyong pagdarasal.
7. Huwag sumabad kapag sila ay nagsasalita. Bagkus ay makinig sa kanila. At kapag natapos
na sila (sa pagsasalita) ay saka mo lamang sabihin ang gusto mong sabihin o linawin.
8. Huwag itaas ang inyong boses nang higit pa sa kanilang boses.
9. Huwag makipagtalo sa kanila kahit na sila ay nakagawa ng kamalian. Huwag ipag-giitan ang
inyong palagay at huwag silang paaminin (sa kanilang kamalian).
10. Huwag magsinungaling sa kanila.
11. Huwag manguha ng anupamang pag-aari nila nang wala silang kapahintulutan.
12. Kapag ang pagkain ay inihain, huwag kumain hangga’t hindi sila nagsisimulang kumain.
13. Huwag humilata kapag sila ay nakaupong kasama kayo maliban kapag pinahintulutan kang
gawin ito.
14. Kapag ikaw ay tinatawag nila, sumagot kaagad sa kanila.
15. Huwag umupo sa mas mataas na lugar kaysa sa kanila kapag sila’y kasama ninyo sa isang
lugar.

Thursday, October 8, 2009

UNSA ANG UNANG PAGTULUN-AN SA USA KA TINOOD NA RELIHIYON?

Ang unang pagtulun-an o kinaiyahan sa halos kadaghanan sa mga relihiyon mao ang pagtoo sa usa lamang ka Ginoo o ang Nag-inusarang Ginoo, ang Makakagahum ug ang Nasayod sa tanan. Ang mga nagasunod sa matag usa ka relihiyon nagatoo nga ang ilang Ginoo nga gina-ampuan pareha sa Ginoo nga gina-ampuan sa uban ug ang kalahian lamang niini ang pamaagi o sistema sa pag-ampo ug ang pag-ila sa Iyang Pangalan. Ang ingon niining panan-aw dili madawat sa Islam. Ang Islam nagtino nga ang pagtuo adunay tambayayong nga buhat sumala sa sugo sa Halandong Magbubuhat. Ang pagtoo sa usa lamang ka Ginoo, ang sistema sa pag-alagad ug ang pag-ila sa Iyang ngalan adunay matuud nga sukdanan ug giya nga naga-uyon sa usa lamang kabalaood nga Iyang gihatag.

Tuesday, June 30, 2009

Mga estudyante na nagsisipagtapos sa aking subject na Course 1 & 2 sa buwan ng Hunyo petsa 26 sa taong 2009. Sila po ay nagsusumikap sa pag-aaral kaya nakamit nila ang EXCELLENT na grade. Maligayang pagtatapos! nawa'y ipagpapatuloy pa ninyo ang inyong pag-aaral para madagdagan pa ang kaalaman tungkol sa relihiyong Islam na niyakap natin. Magkita-kita uli tayo sa susunod na Graduation Day. Congratulation.